Thursday, September 18, 2008

Arvin

Kay sarap nga naman na ika'y may kasama
Laging may kadamay sa bawat problema
Ngunit tadhana'y sadyang masaklap
Lahat ay nagbago sa isang iglap

Ako'y iniwan niya ng walang dahilan
Iniisip niyang siya'y aking pinagtaksilan
Kaya ngayon ako'y nagiisa
Hinihintay ang pagkakataong siya'y muling makasama

Ang aking puso ngayo'y walang kasama
Resulta ng pagibig sa huli'y pangangamba
Liwanag na dala ng pagibig di ko na makita
Kadiliman at kalungkutan, bumabalot sa aking kaluluwa

Pusong puno ng pagdadalamhati
Kaluluwa'y parang hinahati
Lahat ng bagay na nagyayari, sa aking buhay
Nasa huli ang pagsisisi, haay... mas mabuti pa yatang ako'y mamatay.

No comments: